Posts

Brain Drain sa Pilipinas

Image
“Anak, aalis na ako ah. Kailangang mangibang bansa ni nanay para makapagtrabaho. ‘Di sasapat ang kita namin ni tatay dito. Mag-aral ka ng mabuti ha?” Ito na lang halos ang natatandaan ni Maria tungkol sa kanyang nanay simula noong umalis ito upang magtrabaho sa Canada bilang isang nars. Para sa kanya, normal lang ang ganitong sitwasyon. Pati mga magulang ng kanyang mga kaklase ay nasa ibang bansa rin; mayroong mga nars, doktor, guro, siyentipiko, at iba pa. “Sabi kasi ng mommy ko, di raw kami makakapag-aral sa private school kapag dito lang siya magwo- work ,” kwento pa ng kamag-aral niyang si Claire. Dahil dito, bata pa lamang ay pinangarap na rin ni Maria na makapagtrabaho sa ibang bansa bilang isang doktor. Para sa kanya, mas magiging maganda ang kinabukasan niya roon. Ngayon, nasa ika-sampung baitang na si Maria at paunti-unti na siyang namumulat sa katotohanan na may masama palang epekto ang patuloy na pagpunta ng mga Pilipinong mangggagawa sa ibang...